top of page

Sinovac COVID-19 Vaccine Dumating na sa Probinsya ng Batanes

Batanes Police Provincial Office, Basco, Batanes – Dumating na ang kauna-unahang COVID-19 Vaccine sa Probinsya ng Batanes lulan ng 096 at 102 unit ng Black Hawk Helicopters na pinamunuan ni 1LT BANISAL ng Philippine Airforce ngayong araw, March 8, 2021 sa ganap na 12:44 ng hapon sa Basco Terminal Airport, Basco, Batanes.

Ayon sa Provincial Health Office ng Basco na pinamumunuan ni Dr. Roel E Nicolas, Provincial Health Officer, mayroon itong kabuuang 277 Sinovac Vaccines na hahati-hatiin sa tatlo na ayon sa mga sumusunod: 150 vaccines sa Batanes General Hospital; 49 vaccines naman sa Itbayat District Hospital at 78 vaccines naman ang kabuuang ibibigay sa mga quarantine facilities ng probinsya.

Ang Quick Response Team ng Batanes PMFP na pinamumunuan ni PCPT REYMUND T RAMIREZ, Platoon Leader, kasama ang Aviation Security Group, Basco Police Station at ang Philippine Navy (Marines) sa pangunguna naman ni 1LT JEFFREY F NEYNEY ay ang nagsilbing seguridad at escort ng COVID-19 vaccine mula sa paglapag ng mga helicopters hanggang sa dalhin ito sa Provincial Health Office upang masiguro ang kaayusan nito.

Nananatili muna ang mga nasabing COVID-19 vaccines sa Provincial Health Office sa munisipyo ng Basco upang masiguro na husto ang mga bilang nito bago ito dalhin sa mga nasabing beneficiaries.




1 view

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page