top of page

Community Outreach Program, Isinagawa ng Batanes PPO at PMFP sa Sabtang, Batanes

Community Outreach Program, Isinagawa ng Batanes PPO at PMFP sa Sabtang, Batanes

Matagumpay na nakapagsagawa ng Community Outreach Program ang Batanes Police Provincial Office at Batanes PMFP sa pangunguna ni PCOL EMIL A TUMIBAY, Provincial Director at ni Gng. Aileen Tumibay, PRO2 Ladies Club Representative sa Brgy. Sumnanga, Sabtang, Batanes noong July 1, 2022.

Ang barangay ng Sumnanga ay labing-isang kilometro (11km) ang layo mula sa sentro ng bayan ng Sabtang at ito ay hindi na rin nararating ng signal ng elekomunikasyon. Kaya’t kung ihahambing ang mga residente rito, ay hindi sila masyadong sanay sa mga “social life” at may pagka mahiyain ang mga ito. Ngunit hindi man sila pangunahin sa mga makabagong teknolohiya, ay nababakas naman sa kanila ang matibay at masasayang pamilya, ang natural at simpleng buhay taglay ang matataas na mga pangarap sa buhay.

Kaya’t ito ang napiling pagdausan ng Batanes PPO ng Community Outreach Program kalakip ang mga aktibidad na Feeding Program at pagbabahagi ng mga school supplies sa lahat ng mga estudyante ng Sumnanga Elementary School sa pamumuno ni G. Dennis Valdez, Principal-I na sya namang pinangunahan ni Gng. Aileen Tumibay.

Gayundin ay namahagi ng mga school supplies ang mga kapulisan sa Nakanmuan Elementary School sa maliit barangay ng Nakanmuan na may kabuuang bilang lamang na pitong (7) estudyante na pinamumunuan ni Gng. Cathy Joy M Castillo, Teacher In-Charge.

Labis ang pasasalamat ng mga nasabing paaralan at mga estudyante sa mga kapulisan sa ganitong uri ng mga aktibidad ng PNP na siya namang nag-aangat ng kanilang moralidad lalo na sa mga pag-aaral ng mga kabataan.

Ayon naman kay PCOL TUMIBAY, isa lamang aniya ito sa mga aktibidad ng kapulisan na mas magpapatibay ng ugnayan sa mga mamamayan tungo sa mas maunlad na pamayanan.





3 views

Comments


bottom of page