top of page

Second Dose ng Sinovac COVID-19 Vaccine Dumating na sa Probinsya ng Batanes

Batanes Police Provincial Office, Basco, Batanes – Dumating na ang second dose ng Sinovac COVID-19 Vaccine sa Probinsya ng Batanes lulan pa rin ng 096 at 102 unit ng Black Hawk Helicopters ng Philippine Airforce ngayong araw, March 15, 2021 sa ganap na 3:40 ng hapon sa Basco Domestic Airport, Basco, Batanes.


Ayon sa Provincial Health Office ng Basco na pinamumunuan ni Dr. Roel E Nicolas, Provincial Health Officer, mayroon itong kabuuang 277 Sinovac Vaccines na hahati-hatiin sa tatlo na ayon sa mga sumusunod: 150 vaccines sa Batanes General Hospital; 49 vaccines naman sa Itbayat District Hospital at 78 vaccines naman ang kabuuang ibibigay sa mga quarantine facilities ng probinsya.


Ang Quick Response Team ng Batanes PMFP na pinamumunuan ni PCPT REYMUND T RAMIREZ, Platoon Leader, kasama ang Aviation Security Group, Basco Police Station at ang Philippine Navy (Marines) sa pangunguna naman ni 1LT JEFFREY F NEYNEY ay ang nagsilbing seguridad at escort ng COVID-19 vaccine mula sa paglapag ng mga helicopters hanggang sa dalhin ito sa Provincial Health Office upang masiguro ang kaayusan nito.


Nananatili ang mga nasabing COVID-19 vaccines sa Provincial Health Office sa munisipyo ng Basco bago ito dalhin sa mga nasabing beneficiaries sa unang linggo ng April 2021 o pagkatapos ng 28 days mula nang sila’y mabakunahan.




2 views

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page