top of page

Ivatan Cops Ipinagpapatuloy ang Adopt a Barangay sa Buong Batanes

Batanes Police Provincial Office, Basco, Batanes – Muli nanamang nagpaskilab ang Ivatan Cops sa kanilang programang “Adopt a Barangay” na mismong konsepto ng butihing Provincial Director na si PCOL ISMAEL P ATLUNA noong nakaraang linggo, February 23-27, 2021.

Nagsimula ang programang ito noong ika-29 ng Hulyo 2020 kalagitnaan ng pandemyang COVID-19 na sya namang nag-udyok sa Ivatan Cops upang mas mabigyan ng serbisyong totoo ang mamamayang Ivatan. Kaugnay nito ay ang mga sumusunod na nagawa ng mga Municipal Police Stations ng Batanes Police Provincial Office.

Ang Basco Police Station sa pakikipagtulungan ni Hon. Efleda L Escobido, Punong Barangay ng San Antonio at ng Philippine Navy-Marines ay natulungan nila sina Mrs. Maria Blacer, isang senior citizen at si Ms. Blesila Servillon, isa namang single parent sa pagbubuhat ng tig-72 na sako ng buhangin preparasyon sa pagsasaayos ng kani-kanilang ginagawang bahay. Gayundin ay napalawak nila ang dating gulayan sa Barangay ng San Antonio upang matamnan ng mas maraming gulay na kanilang handog para sa mga senior citizens ng nasabing Barangay.

Malawakang road clearing operation naman ang serbisyong handog ng Mahatao Police Station sa pangunguna ni PLT NOMER U PUERTO, Officer-In-Charge mula Bebhen hanggang Chaina, Brgy. Panatayan, Mahatao, Batanes sa aktibong partisipasyon ni Hon. Nelson G Sinag, Punong Barangay at iba pang opisyal ng barangay. Gayundin ay nagsagawa sila ng malawakang clean-up sa Sitio Makalebleb, isa sa mga water source ng bayan ng Mahatao.

Buong Pwersa din ang pakikipagkaisa ng Ivana Police Station sa pangunguna ni PLT JERRY A PALAMING, Officer-In-Charge kasama ang mga opisyal ng Barangay sa isinagawa nilang “YARU” o bayanihan sa pagpapatayo ng retaining wall sa harapan ng Barangay Hall. Gayundin ay pinanatili ang kalinisan ng mga nakaraan nilang gulayan sa Barangay projects kasama ang mga KKDAT officers at organisasyon ng mga single parents na pinangunahan naman ni Ms. Ciriaca Cabrejas.

Nagpakitang gilas din naman ang Uyugan Police Station sa pangunguna ni PLT EUSEBIO P CASTILLO, Officer-In-Charge sa pagbibigay ng serbisyo sa isa sa mga senior citizen ng barangay Itbud sa kaniyang planong compost pit. Gayundin ay napinturahan ng kapulisan ng Uyugan ang Milagrosa Multi-Purpose Cooperative Store na paglalagyan naman ng mga livelihood products ng barangay at naisaayos din ang mga sirang upuan at kagamitan ng Day-Care center ng nasabing barangay.

Ang Sabtang Police Station sa pangunguna ni PLT RAMIL O AGCAOILI, Officer-In-Charge sa pakikipag-ugnayan ng barangay Nakanmuan sa pangunguna ni Hon. Blandina A Aumentado, Punong Barangay at sa Provincial Engineering Office (PEO) ay ipinasemento ang flooring ng bahay ng isa sa mga senior citizen ng nasabing barangay bilang isang regalo sa kanya. Gayundin, ang kapulisan ng Sabtang ay nagsagawa ng “Pot-Making” gawa ng mga lumang damit at semento. Dinaluhan naman ito ng Local Council for Women (LCW’s) ng nasabing barangay.

At dahil sa kakulangan ng tubig sa bayan ng Itbayat ay dito naman silla nagtuon ng pansin. Ang kapulisan ng Itbayat sa pangungunan ni PLT NILO D CUREG, Officer-In-Charge kasama ang BHW’s, Brgy Tanod at opisyal ng barangay ay sama-sama nilang nilinis ang isa sa mga pinagkukuhanan ng tubig ng bayan sa may Sitio Katuxnus, Brgy. Sta Rosa. Livelihood project din ang pinagtuunan ng Itbayat PS gaya ng pag-aanyaya ng certified TESDA trained upang turuan ang mga solo parents ng nasabing barangay ng pag-gagantsilyo at paggawa ng mga handicrafts.




4 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page